Friday, September 10, 2010

Pwede Ba Minsan?

Warning: cheesy/drama/emotional itong poem na to. Nagustuhan ko lang gawin. Hehe. Simpleng inspiration lang. ;)

Ang tahimik ngayon
Wag sana natin sayangin yung ganitong panahon
Bihira lang kasi tayo may kapayaan ng tulad ng ganto
Sana nga lagi ganito kaganda pakiramdam ko

Pero pansin kita sa paligid
Iba yung musika na lagi mong pinakikinggan sa radyo
Mukhang hindi sinasadya, iba ang kilos mo
Para talagang sumasalamin sa'yo

Gusto sana kitang tanungin
Gusto sana kitang lapitan
Kaso nga lang bigla akong napatigil
Kasi bigla akong napaisip ng...

Pwede ba minsan tumahimik na lang?
At makiramdam imbis na puro salita lang?
Pwede ba minsan makinig na lang?
Kaisa mapagod sa kakaisip kung ano ang sasabihin?

Dahil minsan hindi naman kailangan ng salita
Kahit simpleng katahimikan lang okay na
Dahil kasi minsan hindi naman kailangan ng gumawa ng kahit ano
Kasi maging nandiyan ka lang alam ko maayos na lahat

No comments:

Post a Comment

Please leave me a comment. I'd greatly appreciate it! ;)