Sunday, May 4, 2008

Poste

Poste, ang aking tambayan
Pag malungkot, dito ang lamayan
Pag masaya, may ka-kamayan
Ito ang nagmulat sa aking kamalayan

Poste, ang aking taguan
Pag umiyak, ito ang takbuhan
Pag nanalo, ang aking kaibigan
Ito ang tangi kong kinalakihan

Isa akong taong may buhay
Nakatira sa disenteng bahay
Pero ikaw ba ay nag-tataka
Na ang gusto ko lang makasama siya?

Dahil siya ang aking naging kaibigan
May hirap man ngunit pinaglagpasan
Kay dami nang pinagdaanan
Ngunit siya lang ang naging kasamahan

Ikaw ba, isa ring poste?
Makakayang sumama sa saya't sa leche?
Haha, sige na hayaan mo na
Darating din ang panahon at magiging poste ka...

No comments:

Post a Comment

Please leave me a comment. I'd greatly appreciate it! ;)